Hawak

unspoken

Pagod na pagod na akong lumaban.

Pagod na pagod na akong hawakan, ang mga pangarap na tila ba’y wala namang patutunguhan.

Pagod na akong tahakin ang landas na hindi ko alam ang pupuntahan.

Ligtas pa ba kung sasabihin kong, ayoko na, tigil na?

Sa ganitong panahon, napapagtanto ko kung gaano kahirap na kapitan ang mga bagay na mawawala rin pala.

Sa ganitong panahon, nararamdaman ko na hindi ko pala kayang mag-isa.

Dahil sa ganitong panahon, na akala ko’y kaya ko ng bumitaw, ‘yon pala’y hawak Mo pa rin ang aking mga kamay.

Ang aking mga kamay, nanginginig, napapagod.

Napapagod na sa pagsusulat ng mga bagay, mga plano… na sa huli pala ay parang bulang mawawala.

Nanginginig sa takot kung tama pa ba ito, nanginginig sa pagod, sa paglaban, sa pagpapatuloy ng mga bagay na hindi pala para sa’kin.

Ito na ang katapusan,

Tatapusin ko na.

Ang paglaban sa isang digmaan na pinanalunan Mo na.

Ito na ang katapusan,

Tatapusin ko na.

At ngayon ikaw naman uli ang mag-uumpisa.

Umpisahan Mong baguhin ang puso ko, buuin, pagtibayin, palambutin.

Umpisahan Mong gawin ang nararapat.

Tapos na ako.

Ikaw na uli ang may hawak sa buhay ko.

02.18.17

Advertisements

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s