Sa Una Kong Minahal

Sa Una Kong Minahal,

Ilang taon na ba tayong magkasama? Ilang taon mo na ba akong pinapasaya? Ngunit ngayon, hindi na kita panghahawakan. Hindi na kita susubaybayan. Hindi na. Hindi na.

Ilang taon na rin nang sinabi kong ikaw ang una kong mahal. Ni alinmang bagay, ikaw ang aking inuuna. Pero ngayon, hindi na maaari. Hindi na muli.

Sa bawat pag-iyak, ikaw ang aking naging takbuhan. Pagod ay napapawi kapag ikaw ang kasama. Ngunit ngayon, para bang may distansya. Ano mang pilit kong lumapit, parang may pumipigil sa akin.

Sabi nila, isa lang ito sa mga araw. Sabi nila, kakayanin pa raw. Pero parang hindi na. Ikaw ay parang unti-unti ng natutunaw sa harap ng aking mga mata.

Nasaan na ang mga araw na ang ligaya ko ay walang katumbas? Nasaan na ang mga oras na ikaw lang ang nasa isip? Nasaan na? Wala na. Wala na.

Wala nang patutunguhan ito. Tapusin na natin ito. Malay mo bukas, iba na uli ang sinasambit ng puso. Baka bukas, masabi kong ikaw pa rin ang aking mahal. Baka bukas, masabi kong ikaw ang una at huli kong minahal.

Dating nagmamahal,

Julienne

-Sulat ko sa pagdo-drawing ng mga damit.
—–
Isang araw, nagdrawing uli ako ng damit, fashion designing kumbaga. Ilang buwan na rin nang huli ko iyong ginawa. Gusto ko lang kasi ibalik ‘yung alab ko sa pagdodrawing. Ngunit, imbes na alab, ang natagpuan ko ay pagkabigo. Imbes na sumaya habang nagdodrawing, mas lalo akong nahabag sa sarili ko. Hindi na ito ang gusto kong gawin. Hindi na ito ang una kong minahal. Kaya nakapagsulat ako ng ganito.

Hugot lang walang personalan.

HAPPY VALENTINE’S DAY
HAPPY SINGLE AWARENESS DAY

Advertisements

One thought on “Sa Una Kong Minahal

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s