Love is Blog ni Dr. Eamer

To all my foreign WordPress followers, I would like to take this opportunity to say that this entry is written in my mother language which is Filipino – Tagalog. Since this is a review of the book of Doctor Eamer, Love is Blog which is written in Tag-lish (Tagalog-English).

LOVE IS BLOG

IMG_20150918_093442

Ang librong ito ay patungkol sa pag-ibig. Sa totoo lang, hindi ko “cup-of-tea” ang pagbabasa ng isang libro na umiikot lamang sa pag-ibig. Ngunit dahil nilalawakan ko ang kategoryang binabasa ko, sinusubukan ko ngayong magbasa ng iba’t ibang kategorya ng libro, mula sa pambatang babasahin hanggang sa mga klasikong nobela. At dahil gusto ko ring suportahan ang mga taong gustong mailimbag ang kanilang gawa, kaya binili ko ito.

Ano nga ba ang Love is Blog? Kung mahilig kang magbasa at manood ng kwentong tungkol sa pag-ibig, maaaring magustuhan mo ito. Masasabi kong kakaibang istorya ‘to ng pag-ibig, sa kadahilanang punung-puno ito ng aral. Karamihan kasi ng mga nababasa kong libro na tungkol sa pag-ibig ay masyadong makamundo, sekular at “human-centered” kaysa sa “God-centered.” Pero kahit hindi ito ordinaryong “love story” na makikita sa mga sekular na libro, punung-puno pa rin naman ng kilig at nag-iiwan ito ng ngiti. Sa bawat pagitan ng mga kabanata ay may mga aral mula sa mga “blog” ng nagsulat.

Siguro nagustuhan ko itong libro na ito dahil isa akong tradisyonal na babae… naniniwala sa panliligaw, naniniwala sa kabanalan ng kasal, naniniwala na may tamang panahon ang lahat (ang unang halik, ang unang hawak ng kamay at iba pa).

Siguro rin nagustuhan ko ito dahil ito rin ang gusto kong kwento ng pag-ibig ko.

Siguro nagustuhan ko ito dahil “God-centered” ang konsepto ng pag-iibigan ng mga pangunahing tauhan.

Siguro nagustuhan ko ito dahil simple ang pagkakalahad, mabilis at walang paliguy-ligoy ang kwento.

Siguro nagustuhan ko ito kasi “POV” ito ng isang lalaki na naghahanap rin ng tunay na pag-ibig.

Marami pa akong nagustuhan sa librong ito, wala man itong nakakagimbal na rebelasyon or “climax,” pero kinurot nito ang medyo bato kong puso.

Ang hiling ko sa librong ito ay mailimbag at makita sa mga pangunahing “bookstore” sa Pilipinas upang hindi pulos korning “plot” ang nababasa ng kabataan ngayon.

Dalawang THUMBS UP para sa librong ito.

Advertisements

18 thoughts on “Love is Blog ni Dr. Eamer

  1. Ngayon ko lang ito nabasa!!!! Hahahaha!! And WOW! Thanks sa support Julienne! 143 copies lang ang pinaprint ko. Madami pa ngang nag-ask ng copy kaya may 2nd batch of printing ako.hehe Thanks for the review! 🙂 Cheers to your lovelife! 🙂

    Like

  2. […] “Kung mahilig kang magbasa at manood ng kwentong tungkol sa pag-ibig, maaaring magustuhan mo ito. Masasabi kong kakaibang istorya ‘to ng pag-ibig, sa kadahilanang punung-puno ito ng aral. Karamihan kasi ng mga nababasa kong libro na tungkol sa pag-ibig ay masyadong makamundo, sekular at “human-centered” kaysa sa “God-centered.” Pero kahit hindi ito ordinaryong “love story” na makikita sa mga sekular na libro, punung-puno pa rin naman ng kilig at nag-iiwan ito ng ngiti. Sa bawat pagitan ng mga kabanata ay may mga aral mula sa mga “blog” ng nagsulat. Ang hiling ko sa librong ito ay mailimbag at makita sa mga pangunahing “bookstore” sa Pilipinas upang hindi pulos korning “plot” ang nababasa ng kabataan ngayon. Dalawang THUMBS UP para sa librong ito.” – Julienne (Basahin ang buong book review sa kanyang blog, In Princess’ Heart) […]

    Like

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s