Amapola in 65 Chapters

I don’t know why there is a Halloween celebration every year. But I want to greet you all a Belated Happy Halloween.

For my Halloween’s reading list, I read Si Amapola sa 65 na Kabanata by Ricky Lee. Spare me if I will talk in my native language. Since this book was written in Taglish (Tagalog-English) and some words are hard to translate in English.

image

Si Amapola sa 65 na Kabanata ay istorya ng isang baklang manananggal. Ito ay umiikot sa pag-ibig, pag-ibig sa pamilya, pag-ibig sa isang hinahangaan at pag-ibig sa bayan. Mabuting basahin nyo na lang ito upang ma-gets nyo ang sinasabi ko. Ayokong maging i-spoiler.

Nang matapos kong basahin ang librong ito, napahanga ako sa pagkakagawa nito. Hindi kasi ito ang uri ng babasahing babasahin ko. Una, dahil maraming mga salitang hindi ko kayang tanggapin (mga mura atbp.) Pangalawa, dahil ito ay isinulat sa tagalog. Simula kasi ng mahilig akong magbasa, puros English novels lang ang binabasa ko, kaya tuloy nahihirapan ako ngayong intindihin ang ibang mga salita o kung minsan kailangang ulit-ulitin ko sa utak ko ang isang salita upang maunawaan ito. At pangatlo, hindi ko talaga cup of tea ang pagbabasa ng Tagalog na libro.

Kaya ako namangha ay dahil sa napakalalim na pagkakahulugan ng bawat eksena at parang nanunuod ako ng sine. Ipanapamulat din nito ang dapat sana’y pantay-pantay na pagtingin sa bawat tao, babae man o lalaki, bakla man o tomboy, Noranian man o Vilmanian, manananggal man o ordinaryong tao.

Ito rin ay nagdulot saking magtanong, sino nga ba ang tunay na demonyo, ang mga aswang na gusto lamang mabuhay na parang normal na tao o ang mga taong nagbubuhay aswang sa kabikabilang pagpatay, pandurugas at panlilinlang sa kapwa nito?

Sino nga ba? Sino nga ba ang nagpapahirap sa atin, ang gobyerno ba o ang sarili?

Sino nga ba? Sino nga ba ang kalahati sa atin, ang mga taong di makapamili kung sino ang papanigan o ang mga taong naging bakla, tomboy, manananggal at aswang?

Sino nga ba ang nabubuhay ng tuwid?

Isa pang tanong, may pag-asa pa ba ang Pilipinas?

Ito ang babasahing gusto kong binabasa. Napapaisip ako. Napapatanong ako. Napapalabas ang makata sa puso ko. Marami pa akong tanong.

Salamat kay Ricky Lee at sinulat nya itong Si Amapola sa 65 na Kabanata, para hindi naman puro Romance Novels ang nakikita ko sa Filipino Novel Section. Katulad ng Para Kay B, isa itong masterpiece.

Posted from WordPress for Android

Advertisements

2 thoughts on “Amapola in 65 Chapters

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s