Kung Ang Buhay Ko Ay Isang Reality Show…

KUNG ANG BUHAY KO AY ISANG REALITY SHOW…
12.22.13
Kung ang buhay ko kaya ay isang reality show, may manunuod kaya?
Kung lahat ay nasa harap ng kamera, gagawin ko kaya ang ginagawa ko? O mag-iiba para lamang matuwa ang iba?
Kung ang buhay ng bawat tao ay napapanuod sa telebisyon, manunuod ka kaya?
Ibig sabihin ba, kung reality show ang buhay ko, mananatili kaya akong ganito?
Kung buong buhay ko ako ay umaarte, may tao pa kayang kaya akong paniwalaan?
Ilang tao kaya ang makikiiyak?
Ilang tao kaya ang makikitawa?
Susubaybayan mo kaya kahit hindi mo ko kakilala?
Bawat gawi ko ba ay susundan mo?
Bawat salita ko ba ay paniniwalaan mo?
Kung walang totoo sa pinapakita ko, mamahalin mo pa kaya ako?
Sabi nila, hindi lahat ng nakikita ng mga mata ay dapat paniwalaan.
Paano natin malalaman ang di tunay sa totoo?
Paano natin maaarok ang bawat pagiisip ng tao?
Umaarte nga lang ba o totoo?
Kahit anupaman, totoo o sadyang di tunay
Kahit isiping lahat ng reality show ay gawa lamang ng mga taong malilikot ang diwa
Ako man o ikaw ang nasa loob nito, natatanging sarili mo lamang ang makakaalam
Nang tunay at di totoo
Nang buhay at ang pagkatao.
Kung ang buhay ko kaya isang reality show, manunuod ka ba?
Advertisements

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s