No title yet.

Sa aking paglalakbay
Ikaw ang gusto kong makasama.
Sa bawat pagihip ng hangin
Ang boses Mo ang nais marinig.
Sa bawat pagpatak ng ulan
Yakap Mo ang nais kong makamtan.
Ikaw lamang at wala ng iba.
Ikaw lang at wala ng hihigit pa.

Sa Iyong presensya,
Nabubuhay ang natutulog kong puso.
Sa Iyong pagmamahal,
Unti-unti akong natutunaw.
Walang pasubali akong magpapasalamat.
Sayo lamang at wala ng iba pa.
Sayo lamang at wala ng hihigit pa.

Mahal Kita,
Yan ang nais kong sabihin.
Hindi alam kung paano sasambitin.
Hiling ko lamang sa aking sarili
Mapakita sa aking gawi ang nilalaman ng puso
Na ako’y tunay na nagmamahal Sayo

Kahit anong pilit kong tumbasan
Ang pagmamahal mong di kayang maunawaan
Sambitin, gawin di kayang maipaliwanag
Subalit ang totoo, higit pa sa salita, pag-ibig ko ay tunay.

Advertisements

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s